ASSEGNO UNICO: Para kanino ito?
- BiyaHERO
- Jun 11, 2021
- 3 min read

Gaya ng mga nauna na nating nabalitaan sa telebisyon, radyo at giornale, tuluyan nang naging legge nito lamang June 8, 2021 ang matagal na nating naririnig na ASSEGNO UNICO.
Ano nga ba ang Assegno Unico?
Ito ay isang klase ng tulong pinansyal para sa mga magulang na may mga anak na carico na may edad 21 taong gulang pababa. Puwede na itong makuha simula pa lang sa ika 7-buwan ng bata sa loob ng tyan ng kanyang ina. Buwan-buwan itong matatanggap - madadagdagan pa ito kung ang pamilya ay may 3 o higit pang mga anak o kung mayroon silang disabilities.
Ang amount na matatanggap ay ibabase sa kakayahang pinansyal ng pamilya na nakasaad sa ISEE, mas mababa ang reddito - mas mataas ang assegno (v.v.).
Kailan ito magsisimula?
Ang Assegno Unico Universale ay magsisimula sa January 01 2022, kung saan lahat ng mga may anak na may edad 21 taon pababa ay maaari nang makatanggap nito.
Pero dahil sa kagustuhan ng gobyerno ng Italia na dahan dahan na itong ma-introduce sa mga tao, ay inaprobahan nila ang tinatawag na "ASSEGNO PONTE" kung saan pwede nang magsimulang magrequest ang mga pamilyang hindi nakakatanggap ng assegno familiare.
Sa makatuwid, ang mga lavoratori na nakakatanggap na ng assegno familiare ay kinakailangan paring mag apply ng normal na ASSEGNO FAMILIARE para sa period ng July 1 2021 - December 31 2021.
Ang mga disoccupati at lavoratori autonomi naman na kadalasang walang nakukuhang assegno familiare dahil sa kawalan ng requisiti ay maaari nang magsimulang mag apply ng ASSEGNO UNICO simula July 1 2021.
Compatible ito sa mga tulong pinansyal mula sa Regione o Comune at pati narin sa mga nakakatanggap na ng Reddito di Cittadinanza (maaaring ang assegno unico ay direkta ng babayaran ng INPS sa carta prepagata ng mga beneficiaries ng RdC simula Juy 1 - to be confirmed)
Magkano ang matatanggap?
Tinatayang makakatanggap buwan buwan ang bawat anak ng hanggang 167.50 euros dipende sa ISEE at hanggang 217.80 euros bawat bata - para sa mga pamilyang may 3 o higit pang minors na anak.
Ano ang mga requirements para dito?
- atleast mayroong permesso di soggiorno normale, tinatanggap din ang permesso di soggiorno per ricera di lavoro na may validity na 6 buwan.
- tax payer dito sa Italia
- residente kasama ng kanyang mga anak ng hindi bababa sa 2 taon, kahit hindi continuativo.
- ISEE na hindi tataas sa 50,000 euros
- IBAN na nakapangalan mismo sa magulang o legal guardian ng bata
Samantala, hindi pa nagsisimula ang application para dito, inaasahang lalabas ang mga instructions para sa pag apply nito hanggang sa katapusan ng June.
Ang tulong pinansyal na ito ay matatanggap ng direkta sa bank account ng magulang na aplikante, 50/50 naman ang matatanggap ng mga magulang na may legal shared custody sa kanilang mga anak.
Importanteng malaman na ang benepisyong ito ay matatanggap lamang simula sa buwan ng pag apply nito at hindi na maaaring i-recupera ang mga naunang buwan bago ng application. Kinakailangan din na ngayon pa lang ay ready na ang inyong ISEE 2021.
Nagbigay naman ng grace period ang stato para sa unang tatlong buwan ng pag introduce ng Assegno Unico - puwedeng mag apply ang mga magulang hanggang sa katapusan ng September at kasama paring makukuha ang buwan ng July at August.
PARA SA MGA GUSTONG MAG PA RESERVE NA NG SLOTS PARA MASIGURONG MAKAKUHA NG APPOINTMENT BAGO MAG SEPTEMBER 30, mag message lamang sa aming mga hotline numbers, isulat ang buong pangalan - ang date at oras ng appointment na nais ipa-reserve:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
ONLINE ASSISTANCE - 351 5209992 (Mon-Fri: 11:00 to 15:00)
or send a message via whatsapp or email to caf.raccoltabiyahero@gmail.com
Ang aming ONLINE ASSISTANCE ay para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia.
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:
Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE
To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved
Commenti