top of page
Search

ASSEGNO UNICO E UNIVERSALE 2022 - kailangan ang ISEE 2022

Updated: Jan 7, 2022

Simula January 2022 ang ANF o assegno nucleo famigliare para sa mga anak ay mapapalitan na ng Assegno Unico e Universale. Ito ay nakapaloob sa Family Act kung saan ay pinagsama-sama ang mga tulong na maaaring ibigay sa mga pamilyang naninirahan sa Italya.


Di tulad ng pag-aapply sa ANF kung saan ay kailangan lamang i-declare ang kinita ng magulang sa nakaraang taon upang makuha ito, sa ASSEGNO UNICO E UNIVERSALE ay kakailanganin na ang ISEE dahil dito iba-base kung magkano ang makukuhang tulong pinansyal para sa bawat anak na sinusuportahan at may edad hanggang 21 taong gulang.


Maaari na itong i-apply simula ngayong January 2022 ngunit maaaring magsimulang matanggap ang benepisyo sa buwan ng March.


Maaari itong i-apply para sa mga anak na sinusuportahan simula sa ikapitong buwan ng pagbubuntis hanggang sa edad na 21 taon at mapapatunayan na fiscalmente a carico pa rin ng magulang.


Ang mag-aapply nito na walang hawak na ISEE 2022 ay makakatanggap lamang ng minimum amount na 50 euros sa bawat anak at magkakaroon lamang ng re-calculation (na maaaring umabot hanggang approx. 175 euros monthly sa panganay na anak at may karagdagan naman sa bawat anak na kasunod nito) kapag lumabas na ang ISEE 2022 ng pamilya.


Kaya nakabubuti na magsimula na tayong mag-prepare sa pagpapagawa ng ating ISEE 2022 at kumuha ng appointment sa ating mga CAF na pinagkakatiwalaan o tumawag sa aming mga hotline numbers:


Milan +39 366 5098458

Padova +39 389 6365056


Monday to Friday: 9.30-18.30

Saturday: 9.30-17.30


We will be closed on:

Dec 30 and 31 from 1pm

Jan 1 and 6 whole day


Narito ang mga requirements:

o Carta d’Identità, Codice Fiscale di tutti i membri del nucleo familiare

o Stato di Famiglia (o autodichiarazione)

o CUD 2021 REDDITO 2020 oppure 730/Unico 2021 (tutti i componenti che hanno lavorato nel 2020)

o Contratto d’Affitto + Registrazione

o Contratto di Mutuo + Contratto di Compravendita + Certificato credito residuo mutuo al 31/12/2020

o Investimenti con rendita nel 2020

o Saldo Finale 31/12/2020 e Giacenza Media 2020 (conto corrente + carte prepagate)

(di tutti, compresi i conti dei minori)

o Targa della macchina

Nei casi specifici:

o Verbale dell’Invalidità

o Certificato dall’Università

o Certificato di Separazione


Tandaan na hindi lamang para sa Assegno Unico e universale ang paggamit ng ISEE, ito ay kailangan sa lahat ng mga TULONG PINANSYAL na ating i-aapply ngayong 2022.


Kung nais mong mas maintindihan kung ano nga ba ang ISEE, panoorin ang video explanation tungkol dito: https://www.facebook.com/101740251183591/videos/850035695791653

(important note: ang video na ito ay ginawa noong January 2021).


*******************************

BiyaHero

Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance


"There is a BiyaHero in you!"

*******************************************************

For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:

Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE ******************************************************

To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero

****************************************************** © 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved

664 views0 comments
bottom of page