TULONG PINANSYAL - ASSEGNO "PONTE" para sa mga anak na menor de edad.
- BiyaHERO
- Jul 7, 2021
- 2 min read

Open na ang domande para sa ASSEGNO TEMPORANEO o ASSEGNO PONTE para sa mga pamilyang may anak na menor de edad at hindi entitled sa Assegno Nucleo Familiare (ANF).
Ang assegno temporaneo na ito ay tinawag na "ponte" dahil ito ay magsisilbing "transition" sa parating na ASSEGNO UNICO UNIVERSALE na magsisimula sa January 1, 2022 na siya nang papalit sa ANF.
Samantala, ang ANF ay mananatili paring aktibo hanggang 31 December 2021 para sa mga lavoratori na dati ng nakakakuha nito.
Sino sino ang mga maaari ng mag-apply ng Assegno Ponte?
lavoratori autonomi;
disoccupati;
coltivatori diretti, coloni e mezzadri;
titolari di pensione da lavoro autonomo;
mga pamilyang hindi nakakatanggap ng assegno familiare dahil sa kakulangan ng requisiti para makapag apply nito.
Ano-ano ang mga dokumento'ng dapat i submit?
carta identià + codice fiscale ng richiedente (front and back)
codice fiscale ng altro genitore (front and back)
codice fiscale ng mga minors (front and back)
ISEE 2021
(da indicare) indirizzo di residenza + email + cellulare
IBAN kung saan nais matanggap ang tulong pinansyal (kinakailangang nakapangalan ito sa richiedente)
NOTE:
- Kinakailangang kasama sa residenza ang minore para sa buong duration ng inapplayang benepisyo.
- Kinakailangan din ng atleast 2 taon na residenza dito sa italia (anche non continuativi) o kaya naman ay may contratto di lavoro na hindi bababa sa 6 buwan.
Samantala, ang mga benepisyaryo na ng Reddito di Cittadinanza ay hindi na kinakailangang mag apply dahil automatic na itong matatanggap sa kani-kanilang carta prepagata.
ATTENZIONE!!!
Ang ASSEGNO PONTE maging ang ASSEGNO UNICO UNIVERSALE (2022) ay HINDI RETROATTIVO - ang ibig sabihin ay hindi na pwedeng i recupera ang mga nakalipas na buwan, ang pagamento ay ibibigay na lamang simula sa buwan ng pag transmit ng domanda, taliwas ito sa ating nakasanayan na Assegno Nucleo Familiare (ANF) na maaaring i recupero ang huling 5 taon.
Nagbigay naman ng GRACE PERIOD ang INPS para sa mga unang buwan ng Assegno Ponte: Babayaran parin ng INPS mula July 2021 ang lahat ng mga domande na matatanggap nila hanggang Sept. 30,2021.
****************************************************************************************
For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
********************************
Pinapayuhan ang lahat na magpaBOOK ng APPOINTMENT (preferably atleast 3 days before) para masigurado ang inyong slot at hindi maabutan ng scadenza ng domanda.
********************************
Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.
Maaring magpadala ng requests:
VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM
VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)
********************************
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:
Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE
To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved





Comments