ASSEGNO NUCLEO FAMILIARE 2021: RESPINTA?
- BiyaHERO
- Sep 1, 2021
- 3 min read

Marami ang nakapansin na karamihan sa mga naiprocess na Assegno Nucleo Familiare o ANF para sa periodo ng July 2021 to December 2021 ay puro REJECTED o RESPINTA ang natanggap na sagot mula sa INPS.
Nakakapagtaka na pati ang mga dati nang nakakatanggap ng ANF ay biglang na respinta ang kanilang application.
Simula ng umakyat sa posisyon ang administrasyong Draghi ay marami nang naging pagbabago sa ating gobyerno.
Isa sa mga layunin ng administrasyon, ang MAS PINASIMPLENG PROCEDURES sa mga domande lalong lalo na para sa mga tulong pinansyal para sa mga pamilya, kagaya ng ASSEGNO UNICO na magsisimula sa 2022 - kung saan inabolish ang iba't ibang Sostegni Economici at pinagsama-sama sa iisang domanda.
Kasunod nito ang pagpapalawak at pag improve ng tecnolohiya'ng gamit sa mga gov't. offices, kagaya ng mga serbisyong pwede nang gawin ONLINE gamit ang SPID ng isang cittadino.
Pinagsama narin ang mga database ng local at national gov't. pati narin ng mga iba't ibang ahensya kagaya na lamang ng INPS at AGENZIA DELLE ENTRATE, kaya accessible na sakanila ang lahat ng mga impormasyong patungkol sa isang tao o pamilya.
Ito ang naging isang dahilan sa pagka reject ng ANF ng marami sa ating mga kababayan, dahil dati, ay maraming impormasyon ang hindi na aaccess ng INPS, na Comune lamang ang may hawak.
Noon ay nagdidipende lang ang INPS sa mga AUTODICHIARAZIONE na ating ginagawa sa tuwing tayo ay magmamanda ng Domanda.
Bilang isang Patronato ay nag-conduct kami ng research ng mga maaring naging dahilan ng pag reject ng INPS sa mga domande, at narito ang ilan sa mga ito:
Hindi PAGREHISTRO NG MARRIAGE CONTRACT SA COMUNE, lalong lalo na kung ang seremonya ay hindi ginanap dito sa Italia.
Hindi PAG-UPDATE NG CIVIL STATUS sa Comune
Hindi PAGDADALA ng mga bagong renew na documenti sa Comune, kagaya ng permesso di soggiorno
Hindi PAG-UPDATE ng bagong indirizzo di residenza
Ang mga nakasulat sa itaas ay base sa mga sagot na aming natanggap mula sa INPS noong kami ay nag request ng clarification patungkol sa mga domande ng aming mga assistiti.
Ang pinakauna sa listahan ng mga dahilan kung bakit nareject ang isang ANF ay ang hindi pagrehistro ng marriage contract sa Comune.
Ang mga ito ay ilan sa mga maaaring naging dahilan, pinapayuhan parin ang mga richiedenti na magrequest ng clarification sa INPS upang malaman ang eksaktong rason ng pagkareject ng pratica at upang mai correct ito agad.
Pinapayuhan din namin ang mga nag domanda na i verify kung nairehistro na sa comune ang inyong kasal, at kung hindi pa ito nagagawa, ay maaaring sumadya sa pinakamalapit na Consolato sa inyong lugar upang makahingi ng Certificato Consolare na maaring dalhin sa Comune upang maayos ang inyong records.
(Note: Maaaring hindi pare-pareho ang hingin na documento ng bawat Comune dahil may kanya-kanya silang patakaran, mas mabuti paring humingi ng impormasyon sa inyong Comune di Residenza sa mga dapat gawin upang maayos ang inyong Marriage Registration at Civil Status)
*******************************
Para sa mga nais humingi ng tulong upang maayos ang pratica ng ANF ay maaaring sumadya sa pinakamalapit na Biyahero Office sa inyong lugar (preferably with appointment).
Dalhin ang copy ng inyong domanda ANF at SPID.
*******************************
For more information, maaaring tumawag o magpadala ng mensahe via Whatsapp sa aming HOTLINE NUMBERS:
Milan - 366 5098458
Padova - 389 6365056
Monday to Friday: 9.30-13.00 14.00-18.00
Saturday: 9.30-13.00 14.00-17.00
********************************
Bukas din ang aming ONLINE ASSISTANCE para sa mga walang oras pumunta sa aming offices o para sa mga iba nating kababayan na nakatira sa ibang probinsya ng Italia at hirap marating ang ating mga branches.
Maaring magpadala ng requests:
VIA EMAIL sa CAF.RACCOLTABIYAHERO@GMAIL.COM
VIA WHATSAPP sa 351/5209992 (Mon-Fri 11am to 3pm)
********************************
BiyaHero
Ticketing - Tours - CAF Patronato - Money Remittance
"There is a BiyaHero in you!"
For latest video updates about documentations and immigration, subscribe to:
Chad Will Guide youtube channel: https://youtube.com/c/ChadWillGUIDE
To remit money safely online, open you account thru Rewire: go.rewire.to/biyahero
© 2020 Biyahero Travel and Tours snc All Rights Reserved






Comments